Nagpaabot ng pagbati si Pangulong Rodrigo Duterte kay Russian President Vladimir Putin kasunod ng muling pagkakahalal nito.
Ayon kay Foreign Affairs Secretary Alan Peter Cayetano, hinihiling ni Pangulong Duterte ang mas matagumpay pang pamumuno ni Putin para sa pagpapa-unlad pa ng Russia.
Gayundin aniya sa pagsusulong ng kapayapaan at seguridad sa rehiyon at sa international community.
Umaasa rin si Cayetano na mapapalakas ng mga diyalogo sa pagitan ng Russia at ASEAN ang relasyon nito para sa interes ng lahat ng bansa.
Magugunitang naging mas malawak ang relasyon ng Pilipinas at Russia sa ilalim ng administrasyong Duterte.