Nakatakdang bumalik si Pangulong Rodrigo Duterte sa Marawi City, Lanao del Sur, sa susunod na buwan.
Gayunman, nilinaw ni Presidential Spokesman Harry Roque na hindi sa battle ground ang destinasyon ni Pangulong Duterte kundi sa lugar kung saan titira ang mga internally displaced person o IDP.
Ito ay sa Barangay Sagonsongan kung saan matatagpuan ang transitional shelters na titirhan ng mga bakwit na naapektuhan ng limang (5) buwang giyera sa Marawi.
500 transitional shelters ang nakatakdang ipamahagi sa pagbisita ng Pangulo sa Disyembre.
1,175 transitional shelters ang target na maipatayo sa 14 na ektaryang lupain sa naturang barangay na ang bawat isa’y may sukat na 22 square meters.