Nakatakdang magdeklara ng State of Calamity si Pangulong Rodrigo Duterte sa isla ng Boracay, Aklan dahil sa problema sa basura at kawalan ng maayos na sewerage system.
Sa oath taking ng mga opisyal ng Presidential Anti-Corruption Commission sa Malakanyang, inihayag ng Pangulo na maraming maaapektuhan sa paglilinis sa Boracay kaya’t sa ilalim ng State of Calamity ay bibigyan ng tulong-pinansiyal ang mga apektadong residente.
Binalaan din ni Pangulong Duterte ang mga negosyante sa isla na makipagtulungan sa gobyerno at bilisan ang paglilinis sa isla dahil hangga’t mayroong dumadaloy na dumi mula sa mga tubo patungo sa dagat ay hindi niya papayagang bumalik ang mga ito sa isla.
“I will be declaring a state of calamity, yang state of calamity may component yan na pambigay talaga para sa mga who are displaced financially, if I were from Boracay, you guys there, the best thing for you to do is to cooperate the government and hasten the clean-up for as long as there are ***** coming out from those pipes draining to the sea I will never give you the time of the day”.
Ipinunto ng punong ehekutibo na isinaalang-alang niya sa planong magdeklara ng State of Calamity ang interes, kalusugan at kaligtasan.
Samantala, binalaan din ni Pangulong Duterte ang mga Korte na huwag makialam sa pamamagitan ng pag-iisyu ng Temporary Restraining Order (TRO).
“Public interest involves, then the second it could be a public issue, yung magkasakit, yung various bacteria of all kind, andyan lahat, it could be a health issue and it is also public safety. I would caution the courts not to interfere by issuing TRO because you would just exacerbate the situation and the worst baka hindi kita paniwalaan”.
RPE