Inaasahan nang lalawak pa ang sakop ng pagbabawal sa kontraktuwalisasyon sa bansa.
Ayon kay Department of Labor and Employment (DOLE) Secretary Silvestre Bello III, nakatakda nang magpalabas anumang oras ng Executive Order (EO) kaugnay dito si Pangulong Rodrigo Duterte.
Ang nasabing EO ay binalangkas ng mga labor group at sinang-ayunan ng mga management group.
Hinihintay na lamang din umano nila ang pagpupulong sa pagitan ng Pangulo at sektor ng manggagawa na posibleng mangyari sa loob ng linggong ito o sa susunod na linggo.
Samantala, ipinabatid din ni Bello na target na maging regular sa trabaho ang hindi bababa sa tatlong daang libong (300,000) contractual workers.