Nakatakdang magtungo sa Singapore ang Pangulong Rodrigo Duterte sa April 27 at 28 para dumalo sa 32nd ASEAN Summit.
Ito ayon kay Assistant Secretary Maria Helen Dela Vega ng DFA Office of the ASEAN Affairs ay kasunod ng imbitasyon ni Singapore Prime Minister Lee Hsien Loong, chairman ng ASEAN ngayong taon matapos ang chairmanship ng Pilipinas nuong isang taon.
Sinabi ni Dela Vega na partikular na isusulong ng Pangulo ang mga usaping mahalaga rito tulad ng kapakanan ng mga mamamayan ng rehiyon.
Tatalakayin din aniya ng ASEAN leaders ang pag resolba sa transnational at transboundary issues tulad ng terorismo, violent extremism, trafficking in persons, iligal na droga at kooperasyon sa disaster management.