Nanindigan si Pangulong Rodrigo Duterte na hahabulin ang mga media firm na lumalabag sa Saligang Batas.
Ayon kay Pangulong Duterte, titiyakin niya na sa ilalim na kanyang pamumuno ay tuluyang matitigil ang pananamantala ng ilang mga oligarchs na nagtatago sa likod ng ilang media entities.
Gayunpaman, tiniyak ng Pangulo na hindi niya layong ipasara ang lahat ng media entities na bumabatikos sa kanyang administrasyon kagaya ng Rappler.
Kasabay nito, muling iginiit ng Pangulo na wala siyang kinalaman sa desisyon Securities and Exchange Commission (SEC) kaugnay sa kaso ng Rappler lalo’t karamihan aniya ng mga nagdesisyon ukol dito ay pawang appointees ng nakaraang administrasyon.
Handa din umano ang Pangulo na magsampa ng kaukulang kaso sa ilang personalidad na mapapatunayang sangkot sa hindi tamang paggamit ng pondo ng bayan.