Nanindigan si Pangulong Rodrigo Duterte na wala siyang kinalaman sa pagpapatalsik kay dating Chief Justice Maria Lourdes Sereno.
Ayon sa Pangulo, handa siyang magbitiw sa puwesto sa oras na mapatunayan na kumilos siya para masibak sa puwesto ang dating Punong Mahistrado.
Matatandaang ilang beses na ring dumistansya ang Malacañang at ang Pangulo sa impeachment complaint laban kay Sereno sa Kongreso at quo warranto petition na inihain ng Office of the Solicitor General o OSG.
Sa kabila nito ay naniniwala pa rin si Sereno na may kinalaman ang Pangulo lalo’t direktang nag-uulat sa kanya si Solicitor General Jose Calida.
—-