Isang insider ang itinalaga ng Pangulong Rodrigo Duterte para maging pinuno ng Tourism Promotions Board kapalit ni Cesar Montano.
Napili ng TPB Board of Directors ang Career Executive na si Arnold Gonzales bilang CEO ng TPB na nasa ilalim ng Department of Tourism o DOT.
Ang 56 na taong gulang na si Gonzales ay tatlumpung taon nang nasa TPB kung saan Market Specialist ang pinakahuling puwesto niya at nanungkulan din bilang OIC sa Domestic Promotions Department ng board.
Magugunitang nagbitiw sa puwesto si Montano matapos pumutok ang kontrobersya sa ‘Buhay Carinderia’ project ng TPB.
—-