Ahasang matatanggap na sa lalong madaling panahon ng mga pulis, sundalo at iba pang uniformed personnel ang kanilang mas mataas na suweldo makaraang lagdaan ni Pangulong Rodrigo Duterte ang Joint Resolution 1 ng Kongreso sa Base Pay Increase Schedule Modification.
Noong Disyembre pa inaprubahan ng kongreso ang resolusyon habang nito lamang Enero 1 pinirmahan ng Pangulo ang updated list ng base pay.
Sa ilalim ng Joint Resolution na epektibo noong Lunes, bagong taon, ang entry-level uniformed officer o police, fire, jail officer 1, private, apprentice seaman, seaman third class na may sahod na P14,834.00 kada buwan ay makatatanggap na ng P29,668.00 ngayong taon.
Nakasaad din sa resolusyon na magkakaroon ng two-tranche increase kung saan isa ngayong taon at isa sa taong 2019 habang mananatili ang base pay ng ilang ranggo sa implemetasyon ng modified pay schedule sa 2019.
Tataas naman sa P121,143.00 kada buwan simula ngayong taon ang base pay ng mga hepe ng Armed Forces of the Philippines (AFP) at Philippine National Police (PNP) at P149,785.00 naman sa susunod na taon.
Ipinaliwanag din sa resolusyon na kailangang itaas ang suweldo ng mga sundalo at iba pang uniformed personnel upang magampanan ng mga ito ng maayos ang kanilang mahalagang papel sa pagpapanatili ng national security at peace and order.
(Ulat ni Patrol 7 Jill Resontoc)
Batas na nagdodoble sa sweldo ng pulis, militar at iba pa pinirmahan na ni Pangulong Duterte | via @JILLRESONTOC pic.twitter.com/fH0qWs93jf
— DWIZ Newscenter (@dwiz882) January 9, 2018