No show si Pangulong Rodrigo Duterte sa paggunita sa ika – 154 anibersaryo ng kapanganakan ni Gat. Andres Bonifacio.
Dumating lamang sa naging seremonya si Vice President Leni Robredo at Defense Secretary Delfin Lorenzana sa monumento ni Bonifacio sa Caloocan.
May nauna na umanong commitment ang Pangulo sa bahagi ng Mindanao.
Sa kabila nito, pinangunahan ni Lorenzana at Caloocan City Mayor Oscar Malapitan ang pag – aalay ng bulaklak sa bantayog ni Bonifacio.
Sinaksihan naman ng kaanak ni Bonifacio ang programa sa pangunguna ng apo nitong si Atty. Gregorio Bonifacio.