Personal na binisita ni Pangulong Rodrigo Duterte ang mga lugar na nasalanta ng bagyong Vinta, ilang araw matapos humagupit ang kalamidad sa malaking bahagi ng Mindanao.
Hindi muna pinuntahan ni Pangulong Duterte ang ilang biktima ng kalamidad sa bayan ng Tubod, Lanao del Norte, sa halip ay kanyang pinangunahan ang meeting ng National Disaster Risk Reduction and Management Council (NDRRMC).
Dito kanyang tiniyak sa mga local government official na nasa likod lamang nila ang national government sa gitna ng recovery stage kasabay ng pagpaabot ng pakikiramay sa mga biktima.
I’d like to does extend my condolences to those who have died in this unfortunate event and of course to those who have suffered both in property and lives.
I dunno of the climate change that they have been talking about has really… have something to do with the greater or more or less than before.
Aminado ang Punong Ehekutibo na sadyang hindi maiiwasan ang mga kalamidad at ito ang reyalidad na dapat harapin lalo’t nasa Pacific Ocean ang bansa kung saan madalas tumama ang mga bagyo.
CPP – NPA sinupalpal
Muling sinupalpal ni Pangulong Rodrigo Duterte ang National Democratic Front – Communist Party of the Philippines – New People’s Army (NDF – CPP – NPA) sa gitna ng pag – atake nito sa mga tropa ng gobyerno matapos ang idineklarang holiday ceasefire.
Sa kanyang pagbisita sa mga lugar na nasalanta ng bagyo sa Tubod, Lanao del Norte, hindi naiwasan ni Pangulong Duterte na muling uminit ang ulo sa panibagong pagsalakay ng NPA sa Army Depot sa Compostela Valley, noong Pasko.
Muling binigyang – diin ng Pangulo na mga terorista at walang dangal ang mga rebeldeng komunista.
Wala aniyang kasunduan sa pagitan ng pamahalaan at NPA at malaya naman ang mga tropa ng gobyerno na magkaroon ng operasyon kahit saan dahil tungkulin nilang magbigay seguridad sa mga mamamayan.