Pinangunahan ni Pangulong Rodrigo Duterte ang paggunita sa ika – 121 anibersaryo ng kamatayan ni Gat Jose Rizal ngayong araw ng Sabado, Disyembre 30.
7:00 ng umaga nang dumating si Pangulong Duterte sa monumento ni Rizal sa Luneta para pangunahan ang flag raising ceremony na sinundan ng pag – aalay ng bulaklak sa bantayog ng pambansang bayani.
Pangulong Duterte pinangunahan ang wreath laying sa monumento ni Gat Jose Rizal sa Luneta. | via Patrol 5 Aya Yupangco pic.twitter.com/YmYiAGoNA6
— DWIZ Newscenter (@dwiz882) December 29, 2017
#TINGAN Pangulong Duterte nagbigay pugay sa monumento ni Gat Jose Rizal sa Luneta. (Courtesy: @PresidentialCom) pic.twitter.com/YNyOwu7XfL
— DWIZ Newscenter (@dwiz882) December 29, 2017
Dumalo din sa naturang paggunita sina Vice President Leni Robredo, Manila Mayor Joseph Estrada, Department of Education (DepEd) Secretary Leonor Briones, Defense Secretary Delfin Lorenzana, at mga kaanak ni Gat Jose Rizal.
Una nang inihayag ng Pangulo ang paggunita ay pagkakataon para kilalanin ang pag – aalay ng buhay ni Rizal para sa bansa.
Sinabi ng Pangulo na dapat pagnilayan ang pagmamahal sa bayan ni Rizal habang pinagsisikapan ng mga Pilipinong tuparin ang hangarin para sa isang nagkakaisa, mapayapa at maunlad na Pilipinas.