Pinagko-komento na ng Korte Suprema si Pangulong Rodrigo Duterte sa Quo Warranto petition na inihain laban sa kanya ng suspendidong abogado na si Ely Pamatong.
Sa deliberasyon ng mga mahistrado ng Supreme Court noong Martes, napagpasyahan nila na pagkomentuhin ang punong ehekutibo.
Nauna ng naghain ng petisyon si pamatong sa S.C. kung saan ipinaalam nito na si Pangulong Duterte ay nanumpa bilang caretaker ng bansa at nag-assume sa posisyon ng pagka-Pangulo noong June 30, 2016.
Ito anya ang dahilan kaya’t maaaring magsulong siya ng Quo Warranto case laban sa Pangulo bilang apektadong partido.
Gayunman, sa ilalim ng Rule 66 ng Rules Of Court, ang pinapayagan lamang na magsulong ng quo warranto petition ay ang Office of the Solicitor-General, Public Prosecutor o ang sinuman na naggigiit ng lehitimong karapatan sa posisyong inokupahan ng kinukuwestiyong opisyal.