Isusumite na ng Armed Forces of the Philippines o AFP kay Pangulong Rodrigo Duterte ang kanilang rekomendasyon kaugnay sa pagpapalawig ng martial law sa Mindanao.
Ayon kay Presidential Spokesperson Harry Roque posibleng ibigay ang naturang rekomendasyon ngayong Linggo na maaaring desisyunan na ng Pangulo oras na mabasa na ito o sa susunod na linggo.
Ipinabatid naman ni AFP Spokesperson Major General Restituto Padilla na kanilang inire – rekomenda ang pagpapalawig sa martial law para masugpo ang nalalabi pang ‘threat groups’, kabilang na aniya ang Abu Sayyaf at Bangsamoro Islamic Freedom Fighters (BIFF).
Pinamamadali na ng Malakanyang ang pagsumite ng rekomendasyon ng AFP dahil mapapaso na ang idineklarang martial law sa katapusan ng Disyembre.
Bukod dito ay magki – Christmas break na ang Kamara sa Disyembre 15 na magre – resume sa Enero 15 ng susunod na taon.
Sinasabi sa konstitusyon na ang Kongreso ay may kapangyarihang tutulan o palawigin pa ang proklamasyon ng martial law sa pamamagitan ng pagboto sa isang regular o special session.