Pinag-aaralan ni Pangulong Rodrigo Duterte na magpatupad ng malawakang balasahan sa hanay ng Philippine National Police o PNP.
Sa punong balitaan sa Philippine International Convention Center o PICC matapos ang 31st ASEAN Summit kamakalawa, sinabi ni Pangulong Duterte na kanyang pag-isipang mabuti kung paano haharapin ang mga pulis scalawags na patuloy pa rin aniya sa mga iligal na gawain tulad ng pangingikil.
Giit ng Pangulo hindi pa rin nawawala ang mga pulis scalawags kahit pa nangako na siyang dodoblehin ang sweldo ng lahat ng miyembro ng PNP sa susunod na taon.
Dagdag ni Pangulong Duterte, sisimulan niya ng pagbabago sa mula sa proseso ng recruitment dahil may ilan aniya ang namemeke ng mga dokumento para makapasok lamang sa PNP.
Gayunman, nilinaw ni Pangulong Duterte na hindi lahat ng mga miyembro ng Pambansang Pulisya ang sangkot sa mga iligal na gawain at marami pa rin aniya ang mabubuti at mahuhusay.
—-