Tiniyak ng Pangulong Rodrigo Duterte ang masusing imbestigasyon sa naganap na sunog sa New City Commercial Center o NCCC mall sa Davao City noong Sabado kung saan tatlumput pito (37) katao ang nasawi.
Sa pribadong pakikipag-usap ng Pangulo sa mga pamilya ng mga biktima sinabi nitong bubuo ng isang inter-agency body na tututok sa imbestigasyon.
Siniguro rin ng Punong Ehekutibo na lalabas ang katotohanan at walang magiging cover-up sa kaso.
“Now, I will assure you that I will call the investigators of NBI (National Bureau of Investigation), police, and Bureau of Fire [to take charge of the investigation], Let the truth come out, ‘yan lang naman ang ano rin nila eh.” Pahayag ng Pangulo
Pasok rin ang Scene of the Crime Operatives o SOCO sa imbestigasyon.
Binigyang diin ng Pangulo na nakahanda ang gobyernong magbigay ng tulong at suporta sa pamilya ng mga biktima.
Hindi aniya sapat ang anumang halaga upang mapawi ang nararamdamang sakit ng mga naulilang pamilya, ngunit umaasa ang Pangulo na kahit papano’y makatutulong ang ibibigay ng pamahalaan.
“Maybe the compensation and the expenses are answered. Pero ako nag-commit na ako that government is willing to chip in.” Dagdag ni Duterte
TINGNAN: Pangulong Duterte binisita ang mga pamilya ng mga nasawi sa sunog sa isang mall sa Davao City | : Presidential Photos pic.twitter.com/y7Yoj965XU
— DWIZ Newscenter (@dwiz882) December 26, 2017
PCOO News Release / with report from Jopel Pelenio