Isinisi ni Pangulong Rodrigo Duterte ang mga western nation sa paglaganap ng terorismo lalo sa Middle East.
Sa kanyang talumpati para sa pag-surrender ng 900 armas mula sa iba’t ibang bayan sa Maguindanao, inihayag ni Pangulong Duterte na sinamantala ng mga western nation ang langis ng mga bansa sa Gitnang Silangan.
Ito, aniya, ang dahilan ng matinding galit ng mga Arabo sa Amerikano at European.
Aminado na naiintindihan niya ang hinaing ng mga taga-Middle East na pinagsamantalahan ng mga makapangyarihang bansa sa pamamagitan ng pagpapatalsik sa kani-kanilang mga leader na tutol sa paglaganap ng impluwensya ng mga Kano at Europeo.
“I know that Western nations were to blame for that because they went there to cause trouble. They got the oil of the Arabs and built their countries to prosperity at the expense of the Arabs.”
—-