Tiniyak ni Pangulong Rodrigo Duterte na magiging maayos ang pagbabalik-bansa ng mga communist leader para sa pagpapatuloy ng peace talks.
Ito ang inihayag ni Pangulong Duterte sa kanyang pagdating sa Davao City mula sa 4-day visit sa Hainan, China at Hong Kong.
Ayon sa Punong Ehekutibo, makakaasa ang mga leader ng NDF-CPP-NPA ng proteksyon mula sa gobyerno sa sandaling mag-umpisa muli ang negosasyon.
Gayunman, iginiit ni Pangulong Duterte na dapat tumupad sa pangako ang mga rebelde na tigil-putukan.
—-