Nasa Singapore na si Pangulong Rodrigo Duterte upang dumalo sa 32nd Association of Southeast Asian Nations o ASEAN Summit.
Mag-a-alas 10:00 kagabi, oras sa Pilipinas nang dumating si Pangulong Duterte sa Singapore mula sa Davao International Airport.
Sa kanyang departure speech, inihayag ni Pangulong Rodrigo Duterte na nananatili ang Pilipinas sa pangakong matatag na pakikipag-ugnayan sa mga kapwa ASEAN member upang makamit ang mga pagbabagong hinahangad para sa rehiyon.
“[Singaporean] Prime Minister Lee Hsien Loong’s invitation provides the opportunity for Southeast Asian nations to continue working closely to further strengthen community-building and advance greater peace, security and stability in the region.”
“As a responsible state, the Philippines remains committed to engage our partners to achieve the change that we want and need.” Pahayag ng Pangulo
Isusulong din aniya sa pulong ang implementasyon ng kasunduan para sa proteksyon ng mga migrante na nilagdaan sa Pilipinas noong isang taon.
“Rest assured that your government will take every opportunity and use every available venue to uphold, protect and promote the rights of our countrymen working abroad.”
“Technology and innovation will be key instruments in achieving inclusive and sustainable growth. With technology and innovation, we can also further enhance regional inter-connectivity and address traditional and emerging threats.” Dagdag ng Pangulong Duterte
Ayon sa Palasyo, nakatakdang magsagawa ng bilateral meetings ngayong araw si Pangulong Duterte kasama sina Singapore Prime Minister Lee Hsien Loong, Indonesian President Joko Widodo at Vietnamese Prime Minister Nguyen Xuân Phúc para sa sidelines ng Summit.
Bibisitahin din ng Pangulo ang Filipino community sa Singapore, Sabado ng gabi.
—-