Tututukan ni Pangulong Rodrigo Duterte ang bersyon ng panukalang Bangsamoro Basic Law na isinumite at sisimulan nang talakayin sa kongreso.
Ito ang tiniyak ng Pangulo kasabay ng pangambang posibleng hindi nito matugunan ang pagkakahiwa-walay ng mga katutubong grupo sa rehiyon ng mga muslim sa Mindanao.
Sa kanyang talumpati sa harap ng mga residente sa Sulu, sinabi ni Pangulong Duterte na nais niyang matiyak na nakapaloob at mapakikinggan sa panukalang BBL at itatatag na bagong Bangsamoro Region ang mga sentimyento ng lahat ng mga katutubo.
Sinabi pa ng Pangulo na nakatakda siyang makipagpulong kina Moro Islamic Liberation Front Chairman Ebrahim Murad at Moro National Liberation Front Founding Chairman Nur Misuari para ayusin ang matagal nang hindi pagkaka-unawaan ng dalawang grupo.