Wala umanong kondisyong itinakda para sa panibagong peace deal ng gobyerno at Moro National Liberation Front na iniluluto nina Pangulong Rodrigo Duterte at MNLF Founding Chairman Nur Misuari.
Ito ang nilinaw ni Executive Secretary Salvador Medialdea matapos ang pulong nina Pangulong Duterte at Misuari sa Malakanyang.
Wala naman anyang kasunduang pinag-usapan ang pangulo at Chairman Nur bagkus ay usapang lalake lamang ang naganap noong Lunes ng gabi.
Una ng inihayag ng punong ehekutibo na nagkasundo sila ni Misuari na ituloy ang negosasyon upang makamit ang kapayapaan sa Mindanao kahit pa nakapagtalaga na ng mga bagong opisyal ng interim government na mamamahala sa Bangsamoro Region.