Hinimok ng isang dating propesor ng Mindanao State University (MSU) ang mga opisyal ng DepEd o Department of Education na isama sa curriculum ng mga paaralan ang Peace Education.
Ayon kay Anthropologist Dr. Nagasura Madale, makabubuting ituro nang maaga sa mga kabataan ang konsepto ng kapayapaan at diplomatikong paraan sa pagresolba sa kaguluhan.
Ito aniya upang maiwasan ang paglawak ng extremism at radicalism sa bansa.
Iginiit din ni Madale na dapat muling tignan at pagandahin pa ang relasyon ng mga Maranao at non-Maranao upang maiwasan nang maulit ang nangyaring kaguluhan sa Marawi City.