Tinawag na slap of the century ni Palestinian President Mahmud Abbas ang peace efforts ni US President Donald Trump sa Middle East.
Ayon kay Abbas na tinapos na ni Trump ang makasaysayang Oslo Peace Accords sa pagitan ng Palestine at Israel noong 1990’s na kilalanin niya ang Jerusalem bilang kapitolyo ng Israel.
Tinawag rin ni Abbas na mga kahiya-hiya sina US Ambassador to the United Nations Nikki Haley at US Ambassador to Israel David Friedman.
Binigyang diin ni Abbas na hindi kailanman tatanggapin ng Palestine ang peace project na sinasabi ni Trump.
—-