Pursigido ang Turkey na makopya ang proseso ng usapang pangkapayapaan ng gobyernong Aquino at Moro Islamic Liberation Front (MILF).
Sa katunayan, ipinabatid ng Office of the Presidential Adviser on the Peace Process na nasa bansa ang high level delegation ng Turkey para pag-aralan ang GRP-MILF peace process.
Binigyang diin ni Kerim Yildiz, director ng DPI o Democratic Progress Institute na humahanga sila sa Bangsamoro deal ng gobyerno at MILF kaya’t nais nilang tularan ito para maging matahimik na rin ang kanilang bansa.
By Judith Larino