Tiniyak ni incoming Presidential Peace Adviser Jesus Dureza na ipagpapatuloy ng Duterte administration ang magandang nasimulan ng outgoing Aquino administration sa peace process sa Moro Islamic Liberation Front.
Ayon kay Dureza, makatutulong ang mga inilatag na hakbang upang bumuo ng polisiya si President-elect Rodrigo Duterte kaugnay sa usapang pang-kapayapaan.
Nakasalalay anya ang daang tatahakin ng usapang pangkapayapaan sa mga polisiya na ipatutupad ni Duterte sa sandaling opisyal na itong umupo bilang bagong pangulo sa Hunyo 30.
Samantala, ikinagalak naman nina Chief Government Negotiator Miriam Coronel-Ferrer at MILF Peace Negotiator Mohagher Iqbal ang pahayag ni Dureza at kumpiyansang magiging maayos ang transition sa susunod na administrasyon.
By Drew Nacino