Naniniwala si Chief Presidential Legal Counsel Juan Ponce Enrile na ang isinagawang peace rally ng Iglesia ni Cristo ay isang “political pressure” upang hindi magampanan ni Pangulong Ferdinand Marcos Jr. ang tungkulin.
Kaugnay nito, ayon kay Enrile na tanging ang pangulo lamang ang may kapangyarihan ay responsibilidad upang makipag-ugnayan sa legislative at judiciary branches upang matiyak ang mabilis na operasyon ng pamahalaan.
Nilinaw rin ng Chief Presidential Legal Counsel na hindi siya tutol sa isinagawang rally ng INC at sinabing may karapatan ang sinuman na magtipon-tipon para umapela sa gobyerno. – Sa panulat ni john Riz Calata