Hinimok ng grupong Karapatan at Bayan, kay President elect Rodrigo Duterte na simulan agad ang Peace Talks sa CPP – NPA – NDF, sa unang 100 araw palang nito.
Ayon kay Karapatan Sec. Gen. Cristina Palabay, mahalagang makapag usap kaagad ang Chief Negotiator ng pamahalaan at si NDF Negotiator Luis Jalandoni.
Maliban sa pagpapalaya sa mga nakakulong na consultants ng NDF, iginiit din ni palabay ang paglilipat kay Ret. Gen. Jovito Palparan sa civilian court.
By: Katrina Valle