Nilinaw ni National Democratic Front Chief Negotiator Fidel Agcaoili na hindi kinansela ang peace talks kung hindi ipinagpaliban lamang ito.
Ito’y makaraang i-anunsyo kamakailan ni Presidential Peace Adviser Jesus Dureza na hindi muna maisasakatuparan ang usapang pangkapayapaan sa itinakda nitong petsa sa Hunyo 28.
Ayon kay Agcaoili, nagpadala ang gobyerno ng abiso na magkakaroon ng pagbabago sa orihinal na iskedyul na kanilang napagkasunduan.
Alam na rin umano ng Royal Norwegian Government na siyang facilitator ng peace talks ang naturang desisyon.
Magugunitang sinabi ni Dureza na nais munang alamin ng administrasyon ang pulso ng publiko kaugnay sa peace talks kaya ito ipinagpaliban.