Positibo pa rin si Vice President Leni Robredo na magpapatuloy ang usapang pangkapayapaan sa pagitan ng pamahalaan at ng CPP-NPA-NDF o Communit Party of the Philippines – New People’s Army – National Democratic Front.
Ayon sa Bise Presidente, kaya lamang naudlot ang peace talks ay dahil sa may mga umatras bunsod ng mga usaping hindi napagkasunduan.
Ito na aniya ang maituturing na pinakamagandang naging hakbang ng kasalukuyang administrasyon sa paghahangad ng kapayapaan sa bansa.
Gayunman, tiwala si Robredo na pansamantala lamang ang nangyari at maisasaayos din ang mga bagay-bagay sa takdang panahon.
“Para sakin nakakalungkot yung nangyari, pero hindi naman ako nawawalan ng pag-asa tingin ko ito ay setback lamang, nakakalungkot na just when our hopes are high na may mangyayaring maganda out of the peace talks nangyari ito.”
“Pero sana both parties hindi huminto pero sana hindi huminto dito kasi kung merong mga bagay na hindi napapagkakasunduan tingin ko marami pading mga puntos na pwedeng pagkasunduan, sana ipagpatuloy yung usapin.”
By Jaymark Dagala