Nakadepende sa desisyon ni Pangulong Rodrigo Duterte kung babawiin o itutuloy ang Unilateral Ceasefire sa kilusang Komunista.
Kasunod ito ng pahayag ng Communist Party of the Philippines na hanggang February 10 na lamang ang kanilang idineklarang tigil-putukan.
Sinabi ni Presidential Adviser on the Peace Process Jesus Dureza, maraming balakid at pagsubok sa isinusulong na peace talks pero inaasahan pa rin nilang makabubuo ng kasunduan para sa ganap na kapayapaan.
Sinabi ni Dureza na kung siya ang masusunod, nais niyang ituloy ang tigil-putukan subalit kailangan ding dumepensa sakaling may mga pag-atake sa tropa ng pamahalaan.
By: Avee Devierte / Aileen Taliping