Posibleng masimulan na muli sa Enero ang peace talks ng gobyerno at Communist Party of the Philippines-New People’s Army-National Democratic Front (CPP-NPA-NDF).
Ipinabatid ito ni Labor Secretary Silvestre Bello III matapos siyang atasan ng Pangulong Rodrigo Duterte na buhayin ang peace talks sa maka-kaliwang grupo.
Kinumpirma rin ni Bello na pumayag si CPP Founder Joma Sison na magkaroon ng face-to-face meeting sa Pangulong Duterte.
Wala pa naman aniyang napagkakasunduan ang magkabilang panig kung saan ang magiging venue ng negosasyon.
Sinabi ni Bello na kung magiging maayos ang proseso, maaaring sa ikalawa o ikatlong linggo ng Enero mangyari ang pormal na resumption ng peace talks.