Hindi pa maaaring muling arestuhin ang mga pinalayang miyembro ng NDFP o National Democratic Front of the Philippines.
Ito ay sa kabila ng pahayag ni Pangulong Rodrigo Duterte na kinailangan nang sumuko ng naturang mga NDFP members o mapipilitan syang ipaaresto ang mga ito.
Ayon kay Government Chief Peace Negotiator Silvestre Bello III, nananatili pa ring sakop ang mga ito ng JASIG o Joint Agreement and Immunity Guarantees dahil hindi pa opisyal na tinatapos ang usapang pangkayapaan.
Bagama’t patuloy ang pahayag ng Pangulo na ititigil na ang peace talks sa mga rebelde ay nananatili naman aniyang walang isinusumiteng notice of termination ang gobyerno sa NDFP.
Sa kabila nito ay nanatiling umaasa si Bello na matutuloy pa ang naturang usapang pangkapayapaan bagama’t malabo pa ito sa sitwasyon ngayon.
By Rianne Briones