Tiniyak ni Presidential Adviser on the Peace Process Jesus Dureza na nagpapatuloy ang usapang pangkapayapaan sa CPP-NPA-NDF.
Sinabi ni Dureza na sa katunayan, nakatakda ang panibagong round ng negosasyon sa ikatlong linggo ng Enero 2017.
Ayon kay Dureza, kasama sa mga inaasahang matatalakay sa Enero ay ang pagkakaroon ng bilateral ceasefire kung saan dalawang panig ang magdedeklara ng tigil-putukan.
Bahagi ng pahayag ni Secretary Jesus Dureza
on Loida Lewis
Samantala, nagkaintindihan na si Presidential Adviser on the Peace Process Jesus Dureza at Loida Lewis, ang Fil-Am community leader.
Sinabi ni Dureza na ipinaliwanag niya kay Lewis na mayroong ilang pahayag ang Pangulong Duterte na hindi dapat seryosohin at makabubuting makipagtulungan na lang ito sa pamahalaan, para sa ikabubuti ng bansa.
Una nang umani ng batikos si Lewis matapos itong manawagan sa Pangulong Duterte na mag-resign.
Bahagi ng pahayag ni Secretary Jesus Dureza
By Katrina Valle | Karambola