Hindi pa tuluyang winawakasan ang isinusulong na peace talks sa pagitan ng pamahalaan at NDFP o National Democratic Front of the Philippines.
Ito ang paglilinaw ni Presidential Adviser on the Peace Process Jesus Dureza matapos mabatid na wala pang inilalabas na written cancellation ang pamahalaan kung kaya’t hindi pa ito maituturing na pormal.
Magiging pormal lang aniya ang kanselasyon ng peace talks kung tatapusin na rin ang JASIG o Joint Agreement on Safety and Immunity Guarantees o kasunduan sa pagitan ng gobyerno at NDFP na nagbibigay proteksyon sa mga rebelde.
Nauna rito, sinuspinde ng Pangulong Rodrigo Duterte ang peace talks sa NDFP dahil sa sunud-sunod na pag-atake ng NPA o New People’s Army sa mga tauhan ng gobyerno at maging sa mga sibilyan.
—-