Muling ikukunsidera lamang ni Pangulong Rodrigo Duterte ang pagbabalik ng peace talks sa Communist Party of the Philippines – National Democratic Front o CPP-NDF kung magdedeklara ng ceasefire ang nasabing grupo.
Sa kanyang talumpati sa Go Negosyo 10th Filipina Entrepreneurship Summit sa Pasay City kahapon, iginiit ni Pangulong Duterte kung siya ang tatanungin tapos na ang usapang pangkapayapaan.
Gayunman, pinaki-usapan aniya siya ni Chief Peace Negotiator at Labor Secretary Silvestre Bello III na maghinay-hinay sa kanyang mga nagiging pahayag laban sa rebeldeng grupo.
Iginiit ng Pangulo na dapat patunayan at ipakita ng CPP-NDF ang sinseridad sa usapang pangkapayapan.
—-