Posible na umano ang peace talks sa pagitan ng Taliban at Estados Unidos.
Kasunod ito ng deklarasyon ng ceasefire ni Afghan President Ashraf Ghani upang mahikayat ang mga Talibans na pumasok sa usapang pangkapayapaan.
Ayon sa ilang analysts, ang alok na unconditional peace talks ni Ghani ay dapat maging signal sa Estados Unidos na simulan ang back channel negotiations sa Taliban.
Nauna nang sinabi ng Taliban na papasok lamang sila sa peace talks kung iuurong ng tuluyan ng Amerika ang kanilang puwersa na halos labing pitong (17) taon na ang operasyon sa Afghanistan.
—-