Sinabi ng Office of the Presidential Adviser on Peace, Reconciliation and Unity (OPAPRU) na malabo o imposible nang magkaroon ng peace talks sa pagitan ng gobyerno at mga Communist Party of the Philippines-New People’s Army (CPP-NPA).
Kasunod ito ng naging pahayag ng ilang presidential aspirants kaugnay sa pagbalik ng usaping pangkapayapaan.
Ayon kay Spokesman Wilben Mayor, mas lumabo lang ang resumption ng peace talks dahil sa patuloy na pag-atake ng mga rebeldeng NPA sa mga sibilyan at pwersa ng gobyerno.
Matatandaang bumagsak ang Peace Talks noong 2017 dahil sa kawalan ng sinseridad ng kampo ng CPP-NPA.
Sinabi pa ni Mayor, na kaniyang iginagalang ang paninindigan ng ilang kandidato sa pagka-pangulo pero imposible paring mangyari ang resumption ng peace talks. —sa panulat ni Angelica Doctolero