Sinabi ni Presidential Spokesman Ernesto Abella na itutuloy pa rin ni Pangulong Rodrigo Duterte ang peace talks sa CPP NPA NDF.
Sa kabila ito ng naging desisyon ng mga ito na babawiin na nila sa Pebrero a-diyes ang idineklara nilang unilateral ceasefire.
Kauganay nito, inatasan ng Pangulo ang Department of National Defense na tiyakin ang kaligtasan ng mga sibilyan at protektahan ang mga ito mula sa banta ng terorismo.
Ayon naman sa government peace panel, irerekomenda nila sa Pangulo na ituloy pa rin ang unilateral ceasefire sa kilusang komunista para mapanatili ang kapayapaan sa mga komunidad na naghahangad ng tahimik na pamumuhay.
By: Avee Devierte / Aileen Taliping