Natuloy na rin ang ika-apat na yugto ng usapang pangkapayapaan sa pagitan ng pamahalaan at ng rebeldeng New People’s Army (NPA) sa The Netherlands.
Ito’y makaraang maantala ng isang araw matapos maglatag ng kundisyon si Pangulong Rodrigo Duterte sa mga komunista para matuloy ang pag-uusap.
Bagama’t positibo ang magkabilang panig nang humarap sila sa mga mamamahayag, inaasahan naman ng mga negosyador na magiging pahirapan ito.
Ayon kay Government Peace Panel Chief at Labor Sec. Silvestre Bello III, pinatitiyak sa kanila ng Pangulo na tatalima ang komunistang grupo sa apat na kundisyong kaniyang inilatag.
Kabilang dito ang pagdideklara ng bilateral ceasefire, pag-alis sa kanilang territorial claims, pagtigil sa pangongolekta ng revolutionary tax at pagpapalaya sa mga prisoners of war.
Cause of delay
Bukas naman ang National Democratic Front (NDF) na talakayin sa pamahalaan ang pagbalangkas ng kasunduan upang ganap na makapagdeklara ng bilateral ceasefire.
Ito’y bilang pagtalima sa apat na kundisyong inilatag ni Pangulong Rodrigo Duterte upang ganap na matuloy na ang peace talks sa pagitan ng dalawang panig.
Ayon kay NDF Chief Negotiator Fidel Agcaoili, kapwa sila umaasa ni CPP Founder Jose Maria Sison na unang maaaprubahan ang Comprehensive Agreement on Social and Economic Reforms bago dumako sa joint ceasefire agreement.
Sa panig naman ni Pangulong Duterte, sinisi nito ang mga rebeldeng komunista na siyang nagpapatagal ng usapan dahil sa dami ng kanilang hinihingi at hindi tinutupad na pangako.
Bahagi ng pahayag ni Pangulong Rodrigo Duterte
By Jaymark Dagala
*OPAPP Photo