Sinasabotahe umano ni Pangulong Noynoy Aquino ang pagbubukas muli ng usapang pangkapayapaan.
Ayon kay Exiled Communist Party of the Philippines Founder Joma Sison, sinisisi ni Pangulong Aquino ang mga rebeldeng komunista sa nabigong pakikipagnegosasyon sa National Democratic Front noong 2013.
Gayunpaman, wala aniyang magagawa ang umano’y pang-iintriga ng Pangulo sa magiging Peace Talks sa Hulyo.
Matatandaang isinisi ng mga rebelde sa gobyerno ang bigong usapang pangkapayapaan dahil hindi umano nito iginalang ang mga nakalipas na kasunduan.
By: Avee Divierte