Naantala ang pagsisimula ng ika-apat na paggulong ng usapang pangkapayapaan sa pagitan ng gobyerno at NDF o National Democratic Front sa The Netherlands.
Sa halip na alas-3:00 ng hapon kahapon ay inilipat ito alas-10:00 ng umaga ngayong araw na ito.
Ayon kay Presidential Adviser on the Peace Process Jesus Dureza, ito ay dahil hinintay pa ang direktang patnubay ng Pangulong Rodrigo Duterte kaugnay sa pagsusulong ng bilateral ceasefire.
Sinabi naman ni NDF Senior Adviser Luis Jalandoni, bagamat bukas sila sa pagkakaroon ng ceasefire ay hindi naman ito dapat na ipilit ito ngayon dahil posibleng kulangin ang limang araw na pagpupulong para mapagkasunduan ito.
Una nang inilatag ni Pangulong Duterte ng apat na kondisyon bago tuluyang gumulong ang pag-uusap sa pagitan ng gobyerno at mga rebelde.
Bahagi ng pahayag ni Pangulong Rodrigo Duterte
By Rianne Briones
*OPAPP Photo