Mas lumabo pa ang tiyansa na magbalik sa negotiating table ang pamahalaan at ng komunistang grupong CPP-NPA-NDF o Communist Party of the Philippines – New People’s Army – National Democratic Front.
Ito ang inihayag ng Malakanyang matapos ang mga naitatalang sunod-sunod na pag-atake ng NPA o New People’s Army sa iba’t ibang lalawigan sa bansa.
Ayon kay Presidential Spokesman Ernesto Abella, tila nawalan na ng sense of nation building ang NPA dahil sa kanilang mga sunud-sunod na pag-atake.
Pagtitiyak naman ni Abella, ginagawa ng pamahalaan ang lahat ng hakbang para tugunan ang mga nasabing pag-atake.
Una nang naitala ang insidente ng pag-disarma ng mga rebeldeng NPA sa mga opisyal ng Sarangani at South Cotabato, pangho-hostage sa isang tribe leader sa Surigao del Sur, pananambang sa isang military convoy sa Palawan at ang pagpatay sa isang pulis sa Masbate.