Umaasa si Pangulong Rodrigo Duterte na magtatagumpay ang susunod na administrasyon sa usapang pang-kapayapaan sa mga rebeldeng komunista na limang dekada nang nakikipaglaban sa gobyerno.
Sa kanyang pagbisita sa mga biktima ng bagyong Agaton sa Capiz, inihayag ng pangulo na kung hindi hihinto ang armadong pakikibaka ng mga rebelde ay tiyak na magpapatuloy ang pagdanak ng dugo.
Aminado naman si Pangulong Duterte na totoo ang pahayag ng mga komunista na laganap pa rin ang Piyudalismo sa bansa.
Bagaman noon ay kaibigan ang turing, nagbago anya ang kanyang pakikitungo sa mga komunista nang mahalal bilang pangulo dahil naka-atang sa kanya ang seguridad ng bansa.