Iniisa-isa ng administrasyong Marcos ang mga benepisyo ng peace agreement sa mga rebeldeng komunista sa kanayunan at mga local government unit.
Ayon kay Office of the Presidential Adviser on Peace, Reconciliation and Unity (OPAPRU) Assistant Secretary Wilben Mayor na may malaking socioeconomic benefits ng isang kasunduan sa kapayapaan sa pagitan ng gobyerno at ng mga rebelde.
Binanggit ni Mayor ang kamakailang kasunduang pangkapayapaan sa mga Muslim separatists sa Bangsamoro Autonomous Region in Muslim Mindanao (BARMM), na aniya, ay nagresulta sa matinding pagbaba ng poverty incidence sa rehiyon.
Ang kasalukuyang mga gusot tulad ng digmaan sa pagitan ng Ukraine at Russia pati na rin ang opensiba ng Israel laban sa militanteng grupong Hamas ay nagresulta sa mga sakuna na pagkalugi sa magkabilang panig.
Samantala, hinimok ni Mayor na suportahan ng iba’t ibang ahensya ng gobyerno gayundin ng publiko sa nagaganap na exploratory talks sa pagitan ng gobyerno at National Democratic Front of the Philippines (NDFP).