Muling mag-uusap ang gobyerno at MNLF o Moro National Liberation Front kaugnay sa implentasyon ng 1996 Peace Agreement.
Ayon kay MNLF Spokesman Emmanuel Fontanilla, hinihintay na lamang nila ang komposisyon ng government panel para sa muling paggulong ng pag-uusap.
Iikot aniya ang usapin sa isyu ng governance, wealth sharing at territory.
Samantala, hindi aniya kabilang ang kanilang grupo sa bubuuing Bangsamoro Transition Commission dahil labas sila sa ginawang pag-uusap ng gobyerno at Moro Islamic Liberation Front (MILF) na breakaway group ng MNLF.
Ngunit ipinauubaya na aniya ng MNLF sa Kongreso na pag-isahin sa pamamagitan ng batas ang naging peace agreement nila noong 1996 at nilulutong usapaing pagkapayapaan sa MILF.
By Rianne Briones