Muling aarangkada ang usapang kapayapaan sa pagitan ng Syrian government at oposisyon sa Geneva, Switzerland matapos maantala ng sampung (10) taon.
Kabilang sa mga makikiisa sa peace talks ang mga delegasyon mula sa Riyadh, Moscow, Cairo at Astana na kapwa apektado ng anim (6) na taong giyera.
Ayon kay UN Special Envoy for Syria Staffan de Mistura, kasama sa mga inaasahang tatalakayin ay ang pagbuo ng konstitusyon at halalan na nakapaloob sa UN Security Council Resolution No. 2254.
Hindi na nagbigay si De Mistura ng iba pang deltaye hinggil sa naturang negosasyon.
By Jelbert Perdez