Tuloy pa rin ang isinagawang localized peace talks sa pagitan ng Davao City government at Communist Party of the Philippines-New People’s Army-National Democratic Front (CPP-NPA-NDF).
Ito ay sa kabila ng napipintong pagbabalik usapang pangkapayapaan ng government peace panel at National Democratic Front of the Philippines (NDFP) panel.
Ayon kay Presidential Spokesperson Salvador Panelo, pumayag ang pangulo na ipagpatuloy ng Davao City ang pakikipag-usap nito sa mga rebelde.
Una nang inihirit ni Davao City Mayor Sara Duterte na huwag isama ang kanyang syudad sa umiiral na ceasefire sa pagitan ng gobyerno at CPP-NPA ngayong kapaskuhan.
Huwag na rin aniyang isama ang syudad sa sakaling muling magkaroon ng peacetalks dahil marami na aniyang simulan ang local peace initiative na peace 911.