Tiniyak ni Presidential Peace Adviser Jess Dureza na ipagpapatuloy ng pamahalaan ang kasunduang pangkapayapaan sa pagitan nila ng Moro Islamic Liberation Front.
Sa turnover ceremony, binigyang-diin ni Dureza na paghuhusayin ng Duterte Administration kung ano ang nasimulan ni dating Secretary Ging Deles sa nakalipas na 6 na taon.
Ayon kay Dureza, hindi pwedeng pabagu-bago ang peace process.
Gayunpaman, pagdating sa pagkilalasa Comprehensive Agreement on the Bangsamoro, posible aniyang mag-iba ang ruta ng pamahalaan.
Ngunit siniguro ni Dureza na patungo sa pangmatagalang kapayapaan ang landas na tatahakin ng Administrasyong Duterte.
By: Avee Devierte