Mariing tinutulan ng bagong talagang kalihim ng Department of National Defense na magkaroon ng peace talks sa pagitan ng pamahalaan at mga teroristang grupo na kinabibilangan ng CPP-NPA-NDF.
Ayon kay Defense Secretary Gilbert “Gibo” Teodoro Jr., mayroong magagandang programa ang gobyerno na ipinapatupad ng National Task Force to End Local Communist Armed Conflict o ang NTF-ELCAC at isa na rito ang barangay development program.
Sinabi ng kalihim na sa pamamagitan ng programa, maipapakita sa publiko na prayoridad ng pamahalaan ang tumulong at mapabuti ang pamumuhay ng mga pilipino.
Bukod pa dito, libu-libong rebelde na ang nagbalik-loob sa pamahalaan dahil sa pagnanais na makamit ang tahimik na pamumuhay kasama ang kani-kanilang mga pamilya. - sa panunulat ni Jenn Patrolla