Kasado na sa August 20 hanggang 27 ang pagpapatuloy ng peacetalks sa pagitan ng pamahalaan at Communist Party of the Philippines sa Oslo, Norway.
Ayon kay Presidential Peace Adviser Jesus Dureza, inaasahan nilang makakasama na sa pagpapatuloy ng pag-uusap ang mga political prisoners na ipinag-utos nang palayain ng Pangulong Rodrigo Duterte.
Kabilang anya sa dapat asahan sa pagpapatuloy ng pag-uusap ang muling pagpapatibay sa mga nauna ng kasunduan na nilagdaan ng mga naunang government at CPP NDF peace panels.
Kabilang dito ang Interim Ceasefire at ang JASIG o Joint Agreement on Safety and Immunity Guarantees.
Sinabi ni Dureza na inaasahang dadaluhan ni CPP Founder Jose Maria Sison ang pagsisimula ng peacetalks bilang consultant ng CPP-NDF.
By Len Aguirre